Sa kabila ng aking katahimikan,
gusto ko rin namang mapakinggan.
Hindi ko naman talaga gustong lumisan,
ang nais ko lamang ay matagpuan.
Kailan ko kaya mailalahad ang aking nararamdaman
nang walang pangambang baka ako’y mahusgahan?
Paano ko ba mararanasan kung paano talaga mabuhay
sa mundong parang paulit-ulit akong pinapatay?
——————
🍀🍀🍀🍀