下载APP
PC开播
联系客服
Wag kang maging kampante. Kasi alam mo yung taong hindi mo naaappreciate ngayon, yung taong hindi mo pinapahalagahan, magsisisi ka kapag yan napagod. Ilang beses yan nagtimpi. Ilang beses nyang binuo ang tiwala nya para sayo. Ilang beses nyang piniling ngumiti kahit gusto nya na lang umiyak dahil sa mga pinaramdam mo. Ilang beses nyang pinili na intindihin ka, kahit wala kang ginawa kundi umarte na parang ikaw palagi ang biktima. Kapag umabot sya sa point na marealize nya na hindi worth it ang mga ginagawa nya para sayo, magiging kawalan mo. Kapag dumating ang araw na tuluyan syang mapagod sayo, wala ka nang babalikan. Tandaan mo na hindi porket mahal ka, pwede mo na lang syang balewalain. Ang taong mabait, mahirap kapag napagod. Kung nakakaya mo syang balewalain, sorry to say pero hindi mo sya deserve. Tama lang na pakawalan ka. Malalaman mo lang yung halaga ng tao kapag nawala na sayo.Dun ka palang magsisisi sa mga nagawa mo.
2025-08-28
like18
comment0
star0
send0
评论
发送
还没有评论哦